Iligan City – Tumaas ng dalawang piso ang presyo ng mga school supplies na mabibili sa mga tindahan dito sa lungsod ng Iligan.
Ito ang lumabas na resulta sa isinagawang monitoring ng Department of Trade and Industry o DTI Iligan at Lanao del Norte.
Ayon kay Mr. Angelo Devero, ang senior trade and industry development specialist ng DTI na mas tumaas ang itinaas na presyo ngayon ng naturang mga bilihin.
Ito ay dahil, noong makaraang taon ay nasa 50 sentavos hanggang piso lang ang itinaas sa presyo ng mga school supplies.
Sinabi ni Devero na apekto sa pagtaas ng presyo ng school supplies ay ang presyo ng mga notebooks, papel, lapis, ballpens at marami pang iba.
Pero, payo ni Devero sa mga magulang at kunsumante na para makasiguro sa presyo ng bibilhing gamit sa pang-eskwela ay ikumpara ang mga presyo nito sa naka-display na mga Suggested Retail Price o SRP ng DTI.