Manila, Philippines – Inaasahang tataas ang presyo ng pandesal sa mga susunod na linggo dahil tumataas ang presyo ng harina, asukal at lebadora.
Sa ginanap na forum sa Balitaan sa Manila sinabi ni Lucito Chavez Vice President ng Philippine Federation Bakers Association Incorporated dapat tangkilitin at gumamit ng kamote sa halip na harina ang mga panadero.
Paliwanag ni Chavez na matagal na niyang isinusulong na dapat tangkilikin ang paggamit ng agriculture crops gaya ng paggamit ng kamote upang pakinabangan naman ang mga tanim ng mga magsasaka.
Kailangan umano mag-angkat ng harina dahil wala umanong trigo sa Pilipinas na galing sa Canada at Amerika na ang nakikinabang dito ay mga dayuhang negosyanteng.
Giit ni Chavez maaaring gamitin ang mga sangkap sa kamote na dapat suportahan ng gobyerno na pakinabangan ng mga panadero at ng Pilipino.