Nagbabala ang Philippine Association of Meat Processors, Inc. (PAMPI) na posible na ring magtaas nag presyo ng meat products tulad ng sausage at luncheon meat.
Ito ay kapag itinaas ang taripa sa mga imported raw materials sa meat industry.
Ayon kay PAMPI Executive Director Francisco Buencamino – ang mga Filipino consumer ang mahihirapan.
Aniya, ang pagtaas ng tariff rates mula sa 5% patungong 40% ay magdudulot ng pagmahal ng presyo ng hotdog at iba pang canned meat products.
Kung mananatili sa 5% ang ipinapataw na tariff ay maiiwasan ang price increase.
Pero ang ibang factors gaya ng halaga ng piso kontra sa ibang currencies, presyo ng petrolyo, tin can, at labor ay maaring makaapekto.
Sa ngayon, nakabinbin sa tariff commission ang petisyon ng PAMPI na panatilihin ang tariff rates sa mga imported raw materials para sa meat processing industry para mapanatiling matatag ang presyo ng produktong gawa sa karne.