AYUDA | Davao City govt, magbibigay ng tulong sa mga nasalanta ni Ompong

Handa ang Davao City Government na magbigay ng ayuda sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Ompong.

Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio – aabot sa 10,000 food packs ang kanilang ipapamahagi sa mga biktima ng bagyo.

Aniya, nakahanda ang kanilang lungsod na umagapay sa ibang lungsod at lalawigan sa oras ng kalamidad.


Bawat food pack ay naglalaman ng bigas at de latang pagkain.

Facebook Comments