Manila, Philippines – Umaapela na rin ang mga provincial at metro bus na pagayan sila na magtaas ng pamasahe.
Sa isinusulong ng provincial bus operators, dapat ay may dagdag na 45 centavos sa kada kilometro para sa mga non-airconed at 55 centavos para sa mga airconed bus.
Habang ang metro bus naman ay dagdag na tatlong piso sa kada limang kilometro sa mga non-airconed at apat na piso sa mga airconed bus.
Ayon kay Alex Yague, provincial bus operators spokesperson, ang dagdag singil ay pambawi nila sa pagmahal ng diesel, spare parts at pampasahod sa mga manggagawa.
Babala ni Yague, kung hindi sila pagbibigyan ay mabuting kalimutan na ang paglalagay ng GPS, CCTV, Dashcam at automatic fare collection sa mga bus dahil sa kawalan ng budget ng mga operators.