Dagdag singil sa kuryente ngayong buwan, nakaamba

Manila, Philippines – Nagbabadya ang dagdag singil sa November bill ng mga customer ng Meralco.

Paliwanag ni Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga – bukod sa paghina ng piso kontra dolyar, nagmahal din ang bentahan ng kuryente matapos bumagsak ang planta nito noong Oktubre.

I-aanunsyo sa Huwebes (Nov. 9) ang aktwal na dagdag singil sa iba’t-ibang charges.


Samantala, aarangkada na ngayong araw ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

90-centavos ang itataas sa presyo sa kada litro ng gasolina, 55-centavos sa kada litro ng diesel habang 75-centavos sa kada litro ng kerosene.

Dahil dito, papalo na sa dalawang piso ang kabuhuang dagdag presyo sa gasolina habang 1.15 pesos kada litro ng diesel bunsod ng apat na linggong oil price hike.

Facebook Comments