Dagdag singil sa kuryente, pinapabawi

Manila, Philippines – Ipinababasura ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Energy Regulatory Commission ang ibinigay na provisional authority sa Meralco para sa dagdag na singil sa kuryente.

 

Simula ngayong Marso ay magtataas ng 66 cents per kilowatt hour ang electric bill at 22 cents per kilowatt hour sa Abril at Mayo dahil naman sa nakatakdang Malampaya shutdown.

 

Giit ni Zarate, masyadong premature ang utos ng ERC at highly questionable pa.

 

Dagdag pa ni Zarate, maraming grupo na ang tumutol na dito ilang araw nang magsimula ang pagdinig sa rate hike.

 

Masyadong kaduda duda din umano ang power rate hike dahil katulad lamang ito ng nangyaring shutdown ng Malampaya noong 2013 na naharang pa ng Korte Suprema.

Facebook Comments