Dagdag Singil Sa Kuryente, Posibleng Ipatupad Ng Meralco

18

MANILA – Posibleng magpatupad ng dagdag-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (MERALCO) sa loob ng dalawang magkasunod na buwan.Ayon sa MERALCO, ang power rate hike ngayong Pebrero ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at paghina ng piso kontra dolyar.Habang ang posibleng dagdag-singil sa marso ay dahil naman sa maintenance shutdown ng malampaya gas facility.Ang nasabing maintenance shutdown ay nagsimula noong January 28 na magtatagal hanggang February 18Sa ngayon, hindi pa makumpirma kung magkano ang ipatutupad na dagdag-singil pero maaari umano itong umabot hanggang P1.44 per kilowatt hour.

Facebook Comments