Mga Pulis Na Iniharap Kay Pangulong Rodrigo Duterte Kahapon, Binigyan Na Lamang Ng Sampung Araw Para Maghanda Sa Paglipa

20

MANILA – Binawasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng limang araw ang paghahanda ng mga nakaharap nitong pulis kahapon sa Malacanang para lumipat sa Mindanao.Matatandaang una nang binigyan ng pangulo ng 15 araw ang nasa higit 200 police scalawags para maghanda sa paglipat ng mga ito sa Tawi-Tawi, Sulu at Basilan.Pero sa ikalawang beses na pagharap ng pangulo sa mga pulis, sampung araw na lamang ang ibinigay niyang palugit sa mga ito.Inatasan naman ni Duterte ang mga pulis na lilipad ng mindanao na panatilihin ang peace and order sa kanilang lilipatang lugar.Dapat aniya ay ihanda ng mga ito ang kanilang mga bala at mga armas dahil sa banta ng seguridad doon.

Facebook Comments