Manila, Philippines – Kasabay ng dagdag-singil sa kuryente, tataas din ang singil sa tubig ngayong buwan ng Oktubre.
Dahil ito sa foreign currency differential adjustment para sa 4th quarter ng taong 2017.
Dagdag na 32 hanggang 40 centavos sa kada cubic meter ang singil ng Manila Water habang 14 hanggang 17 centavos naman ang Maynilad.
Samantala, ayon kay Atty. Patrick Ty, chief regulator ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), maaantala sa kalagitnaan ng 2018 ang rate rebasing adjustment ng Maynilad at Manila Water na magsisimula sana sa Enero.
Animnapung (60) consultants naman ang kinuha ng MWSS para busisiin ang application ng mga water concessionaire.
Ang Mayniilad, humihirit ng mahigit siyam na pisong dagdag sa kada cubic meter sa basic charge habang P8.00 naman ang Manila Water.
Pero ayon kay Atty. Ty, sa July 2018 pa ito maaaksyunan kaya posibleng ma-delay din ang dagdag-singil.
Nakatakda ring magkaroon ng mga public hearing sa susunod na buwan para mapakinggan ang panig ng mga consumer at iba pang grupo bago mailabas ang desisyon hinggil sa singil sa tubig.
Dagdag-singil sa tubig, aarangkada rin sa October bill
Facebook Comments