4 drug suspects, arestado matapos maaktohang bumabatak ng shabu

30

Quezon City – Huli sa akto ang apat na lalaki na gumagamit ng iligal na droga sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Reymundo Dizon alyas ondong, 47-anyos; Jessie tamundong, 52-anyos; Ian taleon alyas kulot, 37-anyos; at Reynaldo Nicdao, 24-anyos.

Ayon sa pulisya isang concerned citizen ang tumawag sa barangay kaugnay ng shabu session na ginagawa ng mga suspek sa bahay ni alias Ondong sa Samsung St., Donya Nicasia, Barangay Commonwealth.

Agad pinuntahan ng mga tanod ang lugar at naaktuhan nga ang mga suspek na humihit ng hinihinalang shabu.

Nakuha mula sa mga suspek ang 4 na sachet na may lamang hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Sasampahan ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o RA 9165 ang mga suspek.

Facebook Comments