MANILA – Ipinagpaliban ang dagdag singil sa tubig ng Manila Water at Maynilad na nakatakda sana sa Enero ng susunod na taon.Nasa 70 sentimo ang inihirit na dagdag singil ng Maynilad habang 37 sentimo ang sa Manila Water.Kabilang rito ang adjustment inflation o paggalaw ng presyo ng bilihin at serbisyo gayundin ang paghina ng piso kontra dolyar.Pero paglilinaw ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) hindi ito nangangahulugan hindi na matutuloy ang dagdag singil.Samantala sa ikatlong sunod na linggo – muli namang tumaas ang singil sa produktong petrolyo.50 sentimo ang itinaas sa kada litro ng gasolina habang 25 sentimo sa diesel, wala naman paggalaw sa kerosine.Unang nagpatupad ng dagdag presyo ang flying v, kaninang hatinggabi na sinundan ng ilang oil companies kaninang alas sais ng umaga.Bukod ditto, nakaambang tumaas ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG dahil sa paggalaw ng presyuhan sa world market.
Dagdag Singil Sa Tubig Ng Maynilad At Manila Water – Ipinagpaliban Pero Mga Kompanya Ng Langis May Taas Presyo Na Naman
Facebook Comments