DAGDAG SINGIL | Taas presyo sa Noche Buena items, ipinatupad ng ilang manufacturer

Manila, Philippines – Ilang manufacturer na ang nagtaas sa presyo ng mga Noche Buena habang papalapit ang Kapaskuhan.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ilang manufacturer na ng mga high end products ang nag-abiso na magtaas sila ng presyo ng kanilang hamon, keso de bola at mayonnaise.

Gayunman, nananatiling stable naman ang presyo ng mga Noche Buena products na pang-masa.


Payo naman ni Steven Cua, President ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association sa mga mamimili na maging wais.

Facebook Comments