Kasado na ang pag-angkat ng karagdagang 250 libong metric tons ng imported rice ng National Food Authority (NFA) para sa susunod na mga buwan.
Ito ay matapos aprubahan na ng NFA Council, ang policy-making body ng NFA ang pag-angkat ng bigas na ipandadagdag sa kasalukuyang stocks ng ahensiya.
Ayon kay NFA Director Rebecca Olarte, gagawin ito ng NFA sa ilalim ng open tender scheme, ibig sabihin bukas ang importasyon sa lahat ng qualified supplier at hindi lamang limitado sa bansang Vietnam at Thailand.
Inatasan ng council ang NFA na gawin agad ang importasyon ng karagdagang bigas na aasahang darating sa buwan ng Nobyembre ngayong taon.
Aniya ang panibagong importasyon ng bigas ay tiyak na makakadagdag ng supply sa merkado ng hanggang 20 porsiyento.