Manila, Philippines – Ipalalabas na ng Department of Agriculture (DA) at agricultural credit policy council sa Biyernes ang P20 million pondo at para ipambili ng vegetable products sa Bukidnon.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Pinol, ngayong araw isasapinal na ng agricultural credit policy council, Local Government Units (LGUs) ng Talakag, Bukidnon at mga prospective buyers ang marketing agreements tungkol sa pagsu- supply ng vegetable products para sa Metro Manila.
Kasunod ito ng pangako ng mga vegetables farmers na kaya nilang suplyan ng 40 hanggang 60 tonelada ng high value vegetables ang Metro Manila simula ngayong buwan.
Dahil dito asahan nang maramdaman ang pagbaba ng presyo ng mga gulay sa susunod na mga buwan.
Kumpara sa supply ng gulay na nanggagaling sa Northern Luzon mas mababa ang presyo ng mga gulay na magmumula sa Bukidnon.
Ang DA na rin ang aako sa gastos at magkakaloob ng mga refrigerated vans na gagamitin sa pag-transport ng gulay papuntang Metro Manila.