Dagdag-sweldo para sa minimum wage earner sa Metro Manila, inaprubahan na

Makatatanggap ng ₱35.00 dagdag sa arawang suweldo ang mga minimum wage earner sa Metro Manila.

Ito’y matapos na aprubahan ng Regional Tripartite Wages Productivity Board ang dagdag-sweldo base na rin sa inilabas na desisyon ng National Wages Productivity Commission

Dahil dito, tataas na sa ₱645.00 ang iiral na minimum wage para sa Metro Manila.


Magiging epektibo ang kautusan matapos ang 15 araw at mailathala ito sa mga pahayagan.

Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang desisyon ng wage board at kanilang ilalabas mamaya ang opisyal na kopya ng kautusan ng Regional Tripartite Wages Productivity Board.

Facebook Comments