Dagdag na tauhan ng City Disaster Risk Reduction Management Office ang itatalaga sa Bonuan Tondaligan Blue Beach sa pagsisimula ng Semana Santa sa susunod na linggo.
Ayon kay Mr. Davidson Chua , empleyado ng CDDRMO hindi pa man inaanunsyo ang summer aabot na sa 3,000 ang pumunta sa Bonuan Tondaligan Blue Beach. Dahil dito magdadagdag sila ng tauhan na magbabantay. Ngayon ay mayroon ng 25 na lifegurads at responder na nakatalaga sa Bonuan Tondaligan Blue Beach para sa seguridad ng mga dadayo dito. Kasama ng CDRRMO ang ahensya ng City Health Office at Red Cross na magbabantay mula 7: 00 ng umaga hanggang 5: 30 ng hapon. Kabilang din ang Sports Committee ng lungsod dahil ang ilan dito ay train bilang lifeguards.
Target ng ahensya ang Zero Casualty ngayong taon dahil wala umanong naitalang nalunod noong nakaraang taon ngunit mas mataas ang naitala sa mga nadikya. Patuloy ang pakikipag-usap ng ahensya sa mga beachgoers sa mga dapat tandaan. Bukod dito nagkakabit din sila ng poster sa Bonuan Tondaligan Blue Beach ng mga ipinagbabawal at dapat tandaan.
Paaalala ng CDRRMO sa mga magrereunion sa dito iwasang sumulong sa dagat ng nakainom at huwag magsuot ng pantalon sa pagligo upang maiwasan ang insidente.
Contributed By:
Ella Solomon
Cristine Joy Ambat
Rosalie Laticman
[image: 57244748_319268605402452_4100678592030048256_n (1).jpg]