DAGDAGAN PA | Mamimili ng NFA Rice sa lalawigan dagsa!

Dagupan City – Mahabang pila ang nararanasan sa ngayon sa halos lahat ng mga accredited NFA retailer stores sa buong lalawigan. Hindi alintana ng mga mamimili ang nasabing mahabang mga pila makabili lamang ng murang NFA rice na nasa P27 pesos per kilo at ayun sa kanila ay magandang klase na kumpara sa mga nakaraang supplies.
Ang ibang may-ari ng bigasan na accredited NFA retailers ay humihingi pa ng karagdagang supply upang mas marami pang mabentahan. Sa sobrang in demand ng nasabing bigas ngayon ay mabilis lamang itong maubos ang alokasyong nasa tatlumpong sakong NFA rice kada accredited retailer store at limitado sa hanggang limang kilo ang maaring mabili kada pamilya.
Ayon naman sa pamunuan ng NFA Pangasinan wala pa silang balak magdagdag ng alokasyon dahil sapat pa di umano ang supply ng bigas sa pamilihan ng lalawigan at walang nakikitang paggalaw sa presyo ng mga commercial rice bukod pa dito ang dahilan ng ahensya na maraming LGUs ang nakapag-request noon ng supply mula sa kanila upang gamitin sa mga relief operations sa mga binahang lugar sa lalawigan.

Facebook Comments