HULI | Lalaki, kalaboso matapos mahulihan ng iligal na droga sa Lucena City

Lucena City – Kalaboso ang isang lalaki matapos mahulihan ng iligal na droga sa Lucena City.

Nakilala ang suspek na si Chino Lastimada na nakuhanan ng walong sachet ng shabu.

Bukod sa walong sachet, nakumspika pa ng mga pulis ang nasa 21 gramo ng iba’t-ibang klase ng droga na may halagang halos P40,000.


Nakakulong ang suspek sa Lucena City Custodial Facility at inaalam na kung sino ang source nito.

Facebook Comments