Ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang karagdagang pangkabuhayan sa magulang ng isang child laborer sa bayan ng Mapandan.
Sa ilalim ng DOLE-Assisted Livelihood Program, ibinahagi ng DOLE Regional Office 1 – Central Pangasinan Field Office ang proyektong “Puto on Wheels” sa naturang benepisyaryo.
Layunin ng programa na matulungan ang mga magulang na magkaroon ng dagdag na kita at mas maraming oportunidad upang maitaguyod ang kanilang pamilya.
Bahagi rin ito ng inisyatiba ng DOLE para palakasin ang kabuhayan at maisulong ang disenteng pamumuhay ng bawat pamilyang Pilipino. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









