Aminado ang Department of Finance na matindi na ang naging epekto ng Coronavirus Disease sa ekonomiya ng bansa.
Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na mula sa gross domestic product ay tagos din ang epekto ng COVID-19 sa mga manggagawa na pawang nawalan ng trabaho maging sa budget deficit ng bansa.
Ayon kay Dominguez, sa kanilang pagtaya walang magiging paglago sa GDP ng bansa bagkus ay mababaon pa ito sa minus one percent.
Sinabi pa nito na umaabot narin sa 1.2-million ang temporary unemployment sa bansa dahil sa nararanasang krisis na maituturing na lowest unemployment rate na naitala ng bansa.
Tiyak din aniyang lalaki ang budget deficit na mula sa 3.2 percent ay maaaring pumalo sa 5.3 percent na nangangahulugang mas maraming palabas na pondo kaysa sa malilikom na kita ang gobyerno.