DAGSA! | Bilang ng mga bumisita sa Manila North Cemetery, pumalo na sa mahigit 1,000,000

Manila, Philippines – Pumalo na sa mahigit isang milyong katao ang bumisita sa Manila North Cemetery ngayong araw.

Sa pagtaya ng Manila Police District, kaninang ala una ng hapon, umabot na sa 1,060,753 ang bumisita sa nabanggit na sementeryo.

Ang Manila North Cemetery ang pinakamatandang sementeryo sa bansa.


Samantala, as of 3PM naman kanina, umabot na sa 318,383 ang bilang ng mga pumasok sa Manila South Cemetery.

Pero hanggang mamayang hatinggabi, inaasahang aabot sa 400,000 ang crowd estimate.

Hanggang kaninang tanghali naman, nasa mahigit 16,000 na katao ang dumagsa sa iba’t ibang sementeryo sa pasig gayundin sa Manila Memorial Park sa Parañaque ngayong hapon.

Sa Loyola Memorial Park sa Marikina, mistulang sinamantala ng mga pulitiko ang undas para mangampanya.

Nagkalat kasi sa loob ng sementeryo ang iba’t ibang campaign materials partikular ng PBA partylist.

Sa mga oras na ito, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo sa Metro Manila.

Facebook Comments