Pansin na ang dagsa ng mga pasahero sa mga bus terminal sa Quezon City para umuwi sa kanilang lalawigan ngayong holiday season.
Dahil dito, bumigat ang daloy ng trapiko sa EDSA Cubao.
Nag-inspeksyon naman ang mga tauhan ng Intern-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa mga bus terminal sa EDSA Cubao.
Sa Araneta Bus Terminal, dagsa na ang mga pasahero.
Kaya bukas aarangkada na rin sa ibang ruta ang mga pampasaherong bus na binigyan ng special permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa datos ng LTFRB may 472 bus operators ang naghain na ng petisyon para makakuha ng special permit na magkakabisa simula December 23 hanggang January 3 ng 2019.
Abot sa 1,087 ang kabuuang bilang ng mga unit ng bus ang umaasang mabigyan ng permits ng LTFRB.
Pinakamaraming units ng bus na humingi ng permit ay mula sa Northern Luzon na abot sa 637 units, sumunod ang Southern Luzon na may 226, 109 units mula sa Bicol Region, 69 sa Visayas at 11 units mula sa rehiyon ng Mindanao.
Asahan na ngayong araw ng Sabado ang simula ng buhos ng pasahero sa mga bus terminal hanggang araw ng Linggo bukas.