PINATOTOHANAN | Pagbuwag sa Road Board, sinabi ni PRRD kay Sen. Pimentel

Manila, philippines – Pinatotohanan ni Senator Koko Pimentel ang kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabuwag ang Road Board.

Ayon kay Pimentel, sa selebrasyon ng kaarawan ni Senator Manny Pacquiao nitong December 17 sa General Santos ay tinawagan siya ni Pangulong Duterte at sinabing dapat na nilang buwagin ang Road Board.

Bilang tugon ay ipinaalam ni Pimentel kay Pangulong Duterte na may naipasa na ang Senado at Kongreso na panukala na bubuwag sa Road Board.


Sabi ni Pimentel, naipasa ang panukala noong sya pa ang senate president habang si Congressman Pantaleon Alvarez naman ang house speaker.

Diin ni Pimentel, kahit binabawi ngayon ni House Speaker Gloria Arroyo ang nabanggit na panukala ay napakalinaw pa rin ng hangarin ni Pangulong Duterte na mabuwag ang Road Board.

Facebook Comments