Dagsa ng mga motorista, inaasahan mamaya sa NLEX

Inaasahan na mas maraming mga sasakyan ang dadagasa sa North Luzon Expressway (NLEX) na pabalik ng Metro Manila mula sa mga probinsiya matapos ang elekayon at Undas.

Sa abiso ng NLEX Corporation, mararamdaman ang dagsa ng mga motorista mamayang hapon hanggang hatinggabi.

Inaasahan din na marami pa ang babiyahe bukas ng madaling araw lalo na’t may pasok sa mga trabaho at paaralan.


Payo naman ng NLEX Corporation sa mga motorista na planuhin ang pagbiyahe at mag-ingat sa pagmamaneho.

Matatandaan na bago ang Barangay at Sangguniang Elections at Undas ay dumagsa ang maraming pasahero pauwi sa kani-kanilang probinsiya.

Facebook Comments