Dagsa ng mga pasahero sa mga pantalan, asahan bukas at sa Huwebes Santo —PPA

Inaasahang bukas at sa Huwebes Santo maitatala ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pinakamaraming mga pasahero na dadagsa sa mga pantalan para humabol sa Holy Week break.

Ayon sa PPA, mahigit 400,000 na ang naitala nilang mga pasaherong mas piniling maglayag patungong iba’t ibang probinsya.

Mahigit 200,000 ang mga pasaherong dumagsa sa mga pantalan nitong Linggo ng Palaspas habang halos 195,000 naman kahapon.

Kahapon nang mag-inspeksiyon si Department of Transportation Secretary Vince Dizon sa Manila North Port kung saan tinatayang aabot ng 2,000 kada araw ang mga pasahero simula bukas at sa Huwebes Santo.

Inaasahang aabot sa 1.73 million ang mga pasaherong dadagsa sa mga pantalan nationwide, mula noong April 12 hanggang sa April 20 o Linggo ng Pagkabuhay.

Facebook Comments