Dagsa ng mga pasahero sa mga pantalan, ramdam ngayong araw

Tatlong araw bago mag-Pasko, marami pa ring mga pasahero ang humahabol sa mga biyahe ng barko ngayong araw.

Kaninang umaga pa lamang ay umabot na sa 48,282 ang mga pasaherong dumadagsa sa mga pantalan sa buong bansa.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 26,713 ang mga outbound passenger at 21,569 naman ang inbound passengers.


Upang matiyak ang ligtas na biyahe, nagpakalat na ng 2,080 na tauhan ang Coast Guard sa 15 distrito nito at sinuri rin 225 na barko at 242 motorbancas.

Samantala, habang naghihintay ng boarding ang mga pasahero, tuloy-tuloy ang pag-iinspeksyon ng mga K9 Teams sa mga bagahe at kargamento para makumpirmang wala itong mga ipinagbabawal na kagamitan tulad ng flammable materials, matatalas na bagay at mga paputok.

Inaasahan naman ng Coast Guard na mas dadami pa ang dadagsang biyahero sa mga susunod na oras.

Facebook Comments