MIAA, nakapagtala na ng 2.4-million na volume ng mga pasahero sa NAIA terminals

Ilang araw bago sumapit ang Pasko ay dagsa pa rin ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.

Sa NAIA terminals 2,3 at 4, pinakamaraming dumadagsa ang mga pasaherong patungo sa mga lalawigan.

Dadagsa na rin sa NAIA terminals 1 ,2 at 3 ang Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga Pinoy balikbayan mula sa iba’t ibang bansa.


Karamihan sa kanila ay ngayon lamang nakauwi ng bansa matapos ang dalawang taong paghihigpit sa travel restrictions.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), mula December 1, umaabot na sa 2.4 million ang mga pasaherong dumadating at umaalis sa NAIA terminals.

Nananatili namang mahigpit ang seguridad na pinaiiral ngayon ng mga awtoridad sa airport.

Facebook Comments