DAGSA NG MGA UUWING TAO SA PANGASINAN PARA SA BSKE AT UNDAS 2023, INAASAHAN SA OCT 29

Sa darating na October 29, araw ng Linggo ang inaasahang petsa ng mga kawani ng ilang mga bus companies sa Dagupan City na may pinakamaraming dagsa ng tao na magsisi – uwian sa kani-kanilang probinsya at mga lugar.
Sa kasalukuyan ay bilang lang umano sa kamay ang mga umuuwi na nanggagaling mula sa kani-kanilang pook na pinagtatrabahuan bagamat tiyak din daw na may mga babyahe na rin sa itong darating na Sabado.
Bilang paghahanda ng mga konduktor at bus drivers ay patuloy na ang ginagawang pagkokondisyon sa mga bumabyaheng pampasaherong sasakyan at kanila rin umanong minomonitor ang lagay ng mga ito upang sakaling magpakita ng senyales ng aberya ay maagapan daw ito at mabigyan ng nararapat na solusyon.

Hangga’t maaari raw ay target nilang walang maitalang problema o bulilyaso sa pagbiyahe upang mapayapa at ligtas makauwi ang kanilang iaaccomodate na mga pasahero.
Samantala, ayon naman sa ilang mga pasahero, mas pabor sa kanila ang pagbyahe na sa araw ng Sabado upang hindi na raw makipagsiksikan ang mga ito sa araw ng Linggo dahil tiyak na mas maraming tao ang uuwi sa araw na ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments