HUMIGIT KUMULANG TATLONG MILYON NA MGA REGISTERED VOTERS SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, INAASAHANG LALAHOK SA BSKE

Humigit kumulang tatlong milyon na mga registered voters lalawigan ng Pangasinan ang bilang na naitala ng COMELEC REGION 1 at inaasahang lalahok at boboto sa darating na BSKE 2023 ngayong buwan ng Oktubre.
Nasa 788, 175 ang bilang ng mga regular voters o ang mga botante na boboto para sa Barangay Elections habang nasa 2, 155, 907 naman ang mga botante na inaasahang bumoto para sa Sanggunian Kabataan Council Elections.
Matatandaan na umpisa na ang campaign period noong pang Oct 19 at magtatapos naman sa Oct 28 at sa kasalukuyan ay patuloy na nangangampanya ang mga kumakandidato sa kani-kanilang barangay.

Desidido naman ang mga first time voters partikular ang mga Kabataan sa kanilang ‘right to vote’ upang magpakita umano ng suporta sa mga napupusuang mga kandidato gayundin na umaasa ang mga ito sa mga karapat dapat na ihahalal na uupo sa posisyon.
Ani naman ng mga regular voters, boboto ang mga ito bilang kanilang pangangatawan na isang mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng paghalal sa mga inaasahang lider sa kani-kanilang komunidad.
Samantala, sa darating na October 30 na ang halalang pambarangay at puspusan na rin ang paghahanda ng mga katuwang na ahensya tulad ng tanggapan ng COMELEC, PNP at mga appointed BEIs upang makapagdaos ng mapayapang botohan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments