Dagsa ng tao sa Manila North Cemetery, umabot na sa mahigit limang libo

Manila, Philippines – Pumalo na sa mahigit limang libong tao as of 8 am kanina ang dami ng mga taong pumapasok sa Manila North Cemetery para dalawin ang kanilang mga mahal sa buhay.

Habang abalang abala ang pamunuan ng Manila North Cemetery sa pag-alalay sa mga pumapasok ay abalang abala naman ang mga Towing service para mangbatak ng mga sasakyan pumaparada sa gilid ng kalsada.

Gaya nalang ng L-300 van ni Belbit Masinas na mula pa sa Dasmarinas Cavite kasama ang buong pamilya para dalawin ang kanilang kamag-anak sa Manila North Cemetery pero pagbalik nila ay hinihila na ang kanilang sasakyan.


Paliwanag ni Masinas hindi umano nila alam na bawal pumarada dahil kung mayroon lamang sana na nagpapaalala sa kanila ay hindi sila paparada.

Problemado ngayon ang pamolya Masinas dahil wala umano silang perang dala para pantubos sa sasakyan na hinatak ng Towing Services.

Facebook Comments