DAGUPAN CITY BILANG SMART CITY, MAISASAKATUPARAN NA

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pagsasakatuparan sa mithiing maging isang smart o Digital city ang syudad ng Dagupan.
Alinsunod dito ang patuloy na pagsulong ng digital transformation sa lungsod na kinakailangan sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan ng LGI Dagupan sa United Pangasinan Information and Communication Technology Council (UPICT) na magiging official ICT council partner ng siyudad katuwang ang bubuuin Committee for the Digital Cities Program ng lungsod.
Layunin ng nabuong ICT committee ang mas magpapalakas at siyang tutulong sa inaasahang transpormasyon ng lungsod tungo sa pag-unlad nito at maging isang well-invested Digital Cities hindi lamang sa Rehiyon Uno maging sa buong bansa rin.

Samantala ang tinatawag na smart o Digital city ay isang siyudad na maunlad ang takbo ng ekonomiya at ilan pang aspeto na para sa kaginhawaan ng nasasakupan nito sa pamamagitan ng paggamit ng information and communication technologies (ICT) na magpataas sa kahusayan sa pagpapatakbo ng isang bayan o munisipalidad. |ifmnews
Facebook Comments