DAGUPAN CITY GOVERNMENT MAY BABALA SA MGA BUSINESS ESTABLISHMENTS NA HINDI SUSUNOD SA MANDATORY HEALTH & SAFETY GUIDELINES

DAGUPAN CITY – Binalaan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dagupan ang mga business establishments na ipapasara ang mga ito kung hindi susunod sa mga itinakdang public health and safety standard ng payagang magbukas ang mga ito sa ilalim ng General Community Quarantine. Kabilang dito ang tamang pagsusuot ng face mask ng mga empleyado sa loob at labas ng pinagtratrabahuhan kabilang din ang mga pumapasok na customer at pag-check ng kanilang body temperature sa pamamagitan ng thermal scanner. Dapat din na mayroong sanitizing station sa entrada ng bawat establisyimento upang makapaghugas ng kamay ang mga pumapasok at lalabas dito.

Ang physical o social distancing ay dapat na maipatupad sa pamamagitan ng pag-lalagay ng marka kung saan uupo o tatayo ang mga tao habang naghihintay. Ang mga bagay na madalas hinahawakan gaya ng shopping carts, trolleys, wheel chairs ay dapat na dumadaan sa disinfection at sanitation kada tatlong oras.

Maari ring mawalan ng bisa ang business permit ng naturang establisyimento na lalabag sa public health and safety standard. Binigyang linaw ng lokal na pamahalaan na isa ito sa paraan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID 19 sa lungsod. Sa ngayon nasa higit isang buwan ng walang naitatalang kaso ng COVID -19 sa lungsod.


Facebook Comments