DAGUPAN CITY HUMAKOT NG PARANGAL SA GINANAP NA AWARDING NG DOH

Humakot at nag-uwi ng mga parangal ang Dagupan City mula sa Department of Health – Ilocos Center for Health Development (DOH-ICHD) sa naganap na awarding ceremonies sa rehiyon. Ito ay dahil sa iba’t-ibang programa na ipinatutupad sa lungsod ng Dagupan.

Una sa mga parangal na natanggap ng lungsod ay ang Madaydayaw Award na iginawad sa Dagupan City Health Office sa pagkakahirang nito bilang First Universal Health Care (UHC) Integration Site licensed as primary care facility, Palbayani Award naman o ang UHC Champions Award dahil commendable din ang performance ng lungsod sa pagkamit ng UHC na makikita sa Local Health Systems Maturity Level.

Kinilala rin ang lungsod bilang Top Performing City Epidemiology and Surveillance Unit sa pamamagitan ng Bannuar Iti Salun-At Award.

Itinanghal din ang Dagupan City bilang Best TB Control Program Implementer bilang pagsuporta nito sa National Tuberculosis Program at ang pagkamit ng 91.22 percent case detection rate for year 2022. Sa Bannuar Iti Salun-At Award pa rin, hinirang ang Dagupan City bilang Best AIDS, STI/HIV Prevention and Control Program Implementer Grand Winner dahil nakamit nito ang Highest Number of Screened Key Population sa programa ng AIDS, STI/HIV.

Nakuha rin ng lungsod ang Best Covid-19 Vaccination Implementation ng Bannuar Iti Salun-At Award dahil sa kontribusyon nito sa pagkamit ng target para sa Covid-19 Vaccine Deployment and Vaccination Campaign.

Ayon sa award, nakuha ng lungsod ang PinasLakas target na at least 30 percent booster coverage ng general population at 90 percent fully vaccinated senior citizens. Ang anim na awards ay pirmado ni DOH Regional Director Paula Paz Sydiongco.

Ipinagkaloob din ng regional DOH sa Dagupan ang 100,000 cash prize. |ifmnews 

Facebook Comments