DAGUPAN CITY, MAITUTURING PA RING “GENERALLY PEACEFUL” ILANG ARAW BAGO ANG HALALAN

Maituturing na ‘Generally Peaceful” ang lungsod ng Dagupan ilang araw bago ang pagsasagawa ng Local and National Election.
Sinabi ni Atty. Michael Franks Sarmiento, Election Supervisor ng Dagupan City na bagamat may mga iringan at parinigan sa dalawang kampo ng tumatakbo sa pagka alkalde ay wala naman umanong nagaganap na karahasan partikular sa mga taga suporta ng mga ito.
Wala umanong nakikita na paggamit ng mga kung anong maaaring makasakit ng tao tulad ng mga patalim o baril.

Dagdag nito na patuloy din ang ginagawang koordinasyon ng Comelec sa Dagupan City PNP at nakita umano dito na hindi na kailangan ng mga karagdagang pwersa ng mga uniformed personnel.
Samantala, nagpahayag na ng kahandaan si Atty. Sarmiento sa pagsasagawa para sa Local and National Election at wala umanong dapat ikabahala ang mga tao sakaling magkaroon ng aberya sa mga Vote Counting Machines (VCM), sapagkat mayroong backup o contingency plan dito ang ahensiya. | ifmnews
Facebook Comments