Isa pang partido pulitikal sa NCR, susuporta kay VP Leni

Nanindigan ang Agila Political Party na kanilang susuportahan angĀ  kandidatura sa pagka-pangulo ni Vice President Maria Leonora ‘Leni’ Gerona Robredo.

Sa pahayag ng Agila Party – Samahang Kaagapay ng Agilang Pilipino, na may base sa may 17 bayan sa Kalakhang Maynila ay kanilang ibinuhos ang buong suporta kay VP Leni na maging susunod na pangulo ng bansa at maglingkod ng anim na taon.

Ikinalugod ng grupo ang matibay na dedikasyon ni VP Leni sa paglilingkod nito mula sa nakalipas na anim na taon ng kanyang termino at tunay na ipinakita niya ang pagmamalasakit sa bawat Pilipino lalo na sa pagkalinga sa mga mahihirap na sektor ng lipunan.


Ang manifesto ay nilagdaan nina Agila Party President Jose Luis Granados at Adrian Francisco, party chairman

Ayon kay Granados, si VP Robredo, kasama ang kanyang hindi mabilang na mga volunteers sa lahat ng lugar sa bansa, ay walang pag-iimbot na nagbigay ng tulong sa ating mga Kababayan sa panahon ng iba’t ibang kalamidad na kinaharap ng bansa nitong nakaraang taon; bagama’t kakaunti ang pondong nasa kamay, mabisang naasikaso ni VP Robredo ang mga pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.

Ipinakita ni VP Leni ang tunay na halaga ng isang mabisang pinuno na kayang maghatid sa oras ng pangangailangan na walang nahod nanpamumulitika, saad ni Granados.

Si VP Robredo ay tapat, may takot sa Diyos at may kakayahan sa buong mundo, aniya pa.

Bilang isang Regional Political Party na may latag sa NCR, na maraming botante, naniniwala kami na kasama namin si VP Robredo – Ang Gagabay sa Ika-uunlad ng Lahat (AGILA), pinunto pa ni Granados.

Facebook Comments