Pumalo na sa higit kumulang 140, 000 ang bilang ng mga rehistradong botante sa lungsod ng Dagupan ayon sa Commission on Elections (COMELEC) Dagupan.
Ayon kay Attorney Michael Frank Sarmiento, Dagupan City Election Officer, nakapagtala ang lungsod ng 138, 832 na registered/ regular voters. Mas mataas umano ang bilang na ito kumpara noong National and Local Elections 2022 at pinakamataas na bilang sa buong Region 1.
Sa nasabing bilang 52, 259 ang eligible voters o maaring bumoto para sa Sangguniang kabataan na edad 15-30 taong gulang. Base sa datos, higit 4, 000 ang edad 15-17.
Bagamat nakabinbin pa rin ang pagpapaliban ng SK at Barangay Elections sa Disyembre ngayong taon, patuloy ang isinasagawang paghahanda ng COMELEC Dagupan.
Kabilang sa paghahanda ang koordinasyon sa mga guro na magsisilbi sa halalan maging sa kapulisan upang masigurong mapayapa ang idadaos na SK at Barangay Elections.
Sa darating na October 6-13 ngayong taon, nakatakdang isagawa ang Candidacy of Filing.
Paalala ni Atty. Sarmiento sa mga nagnanais tumakbo sa SK ay bago magfile ng COC alamin kung kwalipikado o hindi dahil noong nakaraang SK at Barangay Election marami ang nadiskwalipika dahil sa kanilang edad.
Paalala ni Atty. Sarmiento sa mga nagnanais tumakbo sa SK ay bago magfile ng COC alamin kung kwalipikado o hindi dahil noong nakaraang SK at Barangay Election marami ang nadiskwalipika dahil sa kanilang edad.
Facebook Comments