Nakiisa ang Dagupan City sa nationwide COVID-19 booster vaccination campaign ng Department of Health.
Ang COVID-19 booster vaccination drive na ito ay ginanap sa Dagupan City Plaza, kahapon, August 15, 2022.
Layunin ng kampanyang ito na mapataas pa ang immunity ng mga Dagupeño laban sa COVID-19.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang DOH-Regional Director na si Dr. Paula Paz Sydiongco at nagpahayag ng kanyang pagbati sa lungsod dahil sa pag-abot nito ng 97.79% marker o 144,699 na total fully immunized Dagupeños.
Hinihikayat ng DOH ang 675 targeted daily vaccination sa Dagupan City upang maabot ang nais na target ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na 50% booster coverage sa national population vaccination rate sa kanyang unang 100 days.
Sa tulong ng mga lokal na pamahalaan, City Health office, at mga barangay, ang nasabing aktibidad ay dadalhin din sa mga barangay upang mas accessible ito sa publiko.
Nagbigay din ng tig-3kilong bigas ang Dagupan City LGU sa 1,000 vaccines ngayong araw.
Bukod sa #Pinaslakas vaccination drive mayroon din naganap na registration ng mga Dagupeño sa Philhealth Konsulta project. | ifmnews
Facebook Comments