DAGUPAN CITY, NANGUNA SA MAY PINAKA MATAAS NA HEAT INDEX SA PILIPINAS

Umabot sa 42°C ang naitalang heat index ng PAGASA sa Dagupan City, Pangasinan, nitong ika-3 ng Marso ngayong taon.

Ito rin ang pinakamataas na heat index sa buong bansa. Ngayong araw hanggang bukas, nasa 42°C pa rin ang naitalang heat index forecast, kung saan nasa ilalim na ito ng DANGER level.

Pinapayuhan ang mga Pangasinense na gumawa ng mga hakbang upang maibsan ang init na mararamdaman sa mga susunod pang araw.

Inabisuhan din ang lahat ukol sa posible nitong maidulot na banta sa kalusugan gaya na lamang ng mga heat-related incidents. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments