PAGLILIPAT NG LOKASYON NG DUMPSITE, ISA SA NAKIKITANG SOLUSYON NG ILANG DAGUPEÑO UKOL SA HINDI MATAPOS TAPOS NA PROBLEMA SA BASURA

Paglilipat ng lokasyon ng dumpsite ang nakikita umanong solusyon ng ilang Dagupeño ukol sa hindi matapos-tapos na problema sa basura sa Dagupan City.

Ilang residente na nakapanayam ng IFM News Team, sinabing ilipat ang dumpsite upang kahit papaano ay maibsan ang tambak ng basura sa Kasalukuyang dumpsite.

Habang ang ilan naman, sinabing disiplina talaga sa sarili ang solusyon upang tuluyan na mawakasan ang tambak ng mga basura dahil kahit magkaroon pa umano ng ordinansa ukol sa pagsasaayos o tamang tapunan ng mga basura, kung hindi rin ito sinusunod ay wala ring mangyayari.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang paghahakot ng mga basura sa dumpsite sa bahagi ng Bonuan kaugnay na rin sa mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa ng “no segregation, no collection” policy ng lokal na pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments