DAGUPAN CITY, PINARANGALAN NG DA-BFAR SA 62ND FISH CONSERVATION WEEK

Pinarangalan ang Dagupan City ng Department of Agriculture–Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ng Gawad Pagkilala sa mga Kabalikat sa Pangisdaan sa pagdiriwang ng 62nd Fish Conservation Week noong Lunes, Setyembre 30, sa San Fernando, La Union.
Kinilala ang mga programa ng lungsod para sa agrikultura at kabuhayan na patuloy na nagpapalakas sa industriya ng pangisdaan at tumutulong sa mga mangingisda at aquaculture stakeholders.
Tinanggap ni City Agriculturist Mae Ann Salomon ang parangal sa ngalan ng pamahalaang lungsod.
Ayon sa alkalde ng lungsod, ang pagkilalang ito ay patunay ng dedikasyon ng Dagupan bilang bangus capital ng bansa. “Hindi lamang ito para sa LGU kundi para sa bawat pamilyang mangingisda na ating pinaglilingkuran,” ani Fernandez.
Patuloy ang Dagupan sa pagpapatupad ng mga inisyatibong makapagpapanatili sa masaganang pangisdaan at kabuhayan sa lungsod.
Facebook Comments