DAGUPAN CITY PNP, OPISYAL NANG IDINEKLARA BILANG TYPE ‘C’ CITY POLICE OFFICE

Isang makasaysayang hakbang ang naitala ngayong araw matapos ianunsyo ang opisyal na pag-upgrade ng Dagupan PNP bilang Type “C” City Police Office. Ipinahayag ito sa isang pagpupulong na dinaluhan ng mga opisyal mula sa rehiyon, lalawigan, at lungsod.

Ang upgrade ay naaprubahan sa bisa ng isang resolusyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) bilang tugon sa pangangailangan ng mas matatag na puwersa ng pulisya sa lungsod.

Sa ilalim ng bagong klasipikasyon, madaragdagan ang pondo, kagamitan, at bilang ng tauhan ng kapulisan, pati na rin ang mas direktang koordinasyon sa Police Regional Office. Layon nito ang mas mabilis at mahusay na pagpapatupad ng batas at pagbibigay ng katiwasayan sa mamamayan.

Dinaluhan ng mga kinatawan mula sa PNP, DILG, lokal na pamahalaan, at ilang miyembro ng komunidad ang aktibidad.

Patunay ito na sa pagtutulungan ng pamahalaan, kapulisan, at mamamayan, mas tumitibay ang panata na protektahan at paglingkuran ang bawat Dagupeño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments