DAGUPAN CITY TECHNICAL VOCATIONAL COLLEGE, MALAPIT NANG MAGBUKAS

Malapit nang magbukas ang bagong Technical Vocational College sa lungsod ng Dagupan na layong magbigay ng libreng livelihood courses sa mga nais kumuha ng kasanayan.

Libre ang ibibigay na kurso sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), lokal na pamahalaan ng Dagupan, Department of Education (DepEd), at Public Employment Service Office (PESO) Dagupan.

Kaugnay nito, tinalakay ng lokal na pamahalaan kasama ang TESDA Pangasinan, Alternative Learning System (ALS), at DepEd Dagupan ang ilan sa mga kinakailangang kagamitan upang maisimula na ang operasyon ng paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments