Tuesday, January 20, 2026

DAGUPAN CITY, TUMANGGAP NG PAGKILALA SA CSC PARA SA HUMAN RESOURCE MANAGEMENT

Tumanggap ng mga pagkilala mula sa Civil Service Commission (CSC) ang Pamahalaang Lungsod ng Dagupan para sa human resource management nito sa ilalim ng Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management (PRIME-HRM) noong Enero 19, 2026.

Iginawad ng CSC ang Bronze Award, Accreditation Award, at tatlong Certificate of Recognition matapos ang isinagawang pambansang pagsusuri sa mga sistema at proseso ng pamamahala ng yamang-tao ng lungsod.

Batay sa CSC, ang mga pagkilala ay kaugnay ng pagsunod ng lokal na pamahalaan sa mga pamantayan ng propesyonalismo, patas na proseso, at transparency sa human resource systems.

Sa pagkamit ng PRIME-HRM Maturity Level 2, kabilang ang Dagupan City sa mga lokal na pamahalaan sa bansa na kinikilala sa pagpapatupad ng institutionalized at maayos na pamamahala ng human resources. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments