Dahil daw sa COVID-19: 50 rolyo na tissue paper, ninakaw ng tatlong armadong lalaki

236
FILE PHOTO FROM AP

HONG KONG – Hinoldap ng tatlong lalaki na armado daw ng patalim ang isang trabahanteng nagde-deliver sa isang supermarket sa distrito ng Mong Kok, Lunes ng umaga.

Pero imbis na pera at mamahaling gamit, 50 rolyo ng toilet paper ang tinangay ng mga suspek.


Sa ulat ng CNN, naaresto kaulaunan ng pulisya ang dalawa sa tatlong suspek at narekober sa pinagtaguang guesthouse ang mga toilet paper na nagkakahalagang HK $1,700 o halos P11,000.

Isa sa tinitingnan anggulo ng pulisya ang kakulangan ng suplay ng mga tissue, face mask, alcohol, at cleaning products bunsod ng kinatatakutang novel coronavirus disease (COVID-19).

Nagkakaubusan na daw kasi sa mga tindahan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga residente.

Patuloy na hinahanap ng kinauukulan ang isa pang suspek sa pagnanakaw ng toilet paper.

Facebook Comments