Dating Call Center Agent, Arestado sa Kasong Bigong Pagpatay!

52

*Cauayan City, Isabela- *Hawak na ng mga otoridad ang itinuturing na Top 2 Most Wanted Municipal level matapos itong maaresto sa BJMP Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Mak John Cabalo, 28 taong gulang, walang asawa, at residente ng Barangay Sagat, Cordon, Isabela.


Inaresto si Cabalo sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Efren M Cacatian, ng RTC Branch 35, Santiago City, Isabela dahil sa kasong Frustrated Murder o bigong pagpatay.

May inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan na halagang Php200,000.00.

Dinala sa Cordon Municipal Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments