Dahil hindi binigyan ng P100, pulubi pinukpok ng bato ang sasakyang hinarang

Screenshot via Mane Teodoro dashcam

Ikinuwento ng isang motorista sa pamamagitan ng social media ang naging karanasan habang binabagtas ang EDSA Shaw Boulevard northbound nitong Martes ng hapon.

Ayon kay Mane Teodoro, bigla humarang sa harapan ng kanyang kotse ang isang lalaking namamalimos at sabay pakita ng batong hawak

“Sumesenyas na pag di sya binigyan, babatuhin nya yung kotse. Magaabot sana ako ng barya para di nya batuhin.”


Pagkaraang buksan ng bahagya ang bintana ng kotse, sinabi na hinihinalang taong grasa na 100 pesos ang kailangan nito.

“So sabi ko wala. kinabahan na ko eh. Pinilit nyang ipasok kamay nya sa window. So isinara ko at naipit sya.”

At nangyari ang kinatatakutan ng babaeng driver – dahil hindi siya nagbigay ng pera, dalawang beses pinukpok ng lalaki ang kanyang windshield habang nakaipit ang kamay nito.

Inamin ni Teodoro nangamba siya sa ginawang pag-ipit sa namamalimos.

“Natakot naman ako umandar habang nakaipit sya, baka maputol yung kamay… Di pa nakuntento, ginasgasan pinto gamit yung bato. Huhuhu 😭.”

Matapos ang insidente, nagsumbong sila ng kasabay na officemate sa otoridad.

“Nakakita kami ng MMDA sa may emergency bay tapat ng SM Megamall, wala pa 3 minutes may lady driver na naman na same ang nangyari.”

Para kay Teodoro, masuwerte pa din siya dahil hindi ganon kalaki ang tinamong pinsala ng kanyang sasakyan.

“Mas malala yung gasgas ng kotse nya, yupi yupi sa unahan kc sinubukan nya pala iwasan. Pinukpok ng ilang ulit yung sasakyan nya.”

Panoorin ang kuha ng dashcam nito sa nakakikilabot na pangyayari sa EDSA:

 

 

Facebook Comments