Programang katapat ni Vice Ganda, pinuri ni Quiboloy

2189

Kasabay ng pagtanggap ni Pastor Apollo Quiboloy sa hamon ng TV host-comedian na si Vice Ganda, pinuri niya ang kalabang variety show ng “It’s Showtime” na “Eat Bulaga” dahil sa pagiging humble at matulungin ng mga host nito.

Ayon kay Quiboloy, mahal niya ang naturang palabas pati si Vic Sotto.


“Magpapatuloy ang kanyang programa kahit kailanpaman kasi may pagtulong sila sa kanilang kapwa. At ako, sa kanilang mga jokes, natatawa ako kasi sa kanilang humor na maganda,”  saad ng umano’y “appointed son of God”.

Giit ng pastor, maganda silang ehemplo sa masa sapagkat walang halong kalokohan at kabastusan ang ginagawa nila.

Dito, muli niyang pinasaringan ang nakabanggang komedyante.

“So, ang lesson ng mga ganun, huwag magyabang… pag kayo nasa entertainment, masyado na kayong sikat, pati yung network ninyo masyadong sikat, think about helping humanity.”

Hirit pa ng founder ng Kingdom of Jesus Christ (KJC), hindi pagpapalain ng Diyos ang mga taong mapanghusga at mapang-api sa kapwa.

“Hindi yung pagyurak ng mga odor ng mga tao, hindi yung ipahihiya ka, pagtatawanan ka at your expense, gagawa sila ng joke.”

Kaya naman payo ni Quiboloy sa publiko, panoorin ang mga entertainment show na may kapupulutang magandang aral.

Lingid sa kaalaman ng lahat, magkatapat sa ere ang programa nina Vice Ganda at Vic Sotto.

Facebook Comments

From Advertisers