Ihahabol na P100 billion realignments ng Kamara, maaaring magpaantala sa proposed 2020

Manila, Philippines – Katulad ng 2019 National Budget ay posibleng maantala din ang pagsasabatas sa panukalang 2020 National Budget.

Ayon kay Senator Ping Lacson, ito ay kapag tinotoo ng Kamara ang 100-bilyong pisong halaga ng realignments kapag sumalang na ang national budget sa Bicameral Conference Committee o BiCam.

Paliwanag ni Lacson, napakalaking halaga ng 100-billion-pesos at maari nitong guluhin ang panukalang budget ng mga ahensyang dadagdagan at babawasan ng pondo.


Katwiran pa ni Lacson, dapat ay isinama na ang ihahabol na realignments sa panukalang budget na inaprubahan ng Kamara at iniakyat sa Senado para nabusisi ng mga senador.

Facebook Comments