DAHIL SA AKSIDENTE | Pagdaan ng mga motorsiklo sa EDSA, planong ipagbawal

Manila, Philippines – Inatasan ng Metro Manila Council (MMC) ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pag-aralan ang posibilidad na ipagbawal ang mga motorsiklo sa EDSA.

Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista at siya ring pangulo ng MMC, dahil ito sa madalas na aksidente sa pangunahing lansangan na karaniwan ay kinasasangkutan ng mga naka-motorsiklo.

Aniya, kada aksidente, tutukod ng lagpas 30 minuto hanggang isang oras ang trapiko sa EDSA.


Sinabi naman ni MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia, na pag-aaralan mula nila itong mabuti bago ipatupad ang isang polisiya.

Sa datos ng MMDA noong 2016, halos 70,000 ang karaniwang bilang ng mga motorsiklong bumabaybay sa EDSA.

Facebook Comments